(Libungan, North Cotabato/ April 24, 2014)
---Patay ang 37-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng mismong kainuman nito
sa nangyaring krimen sa Sitio Tumpok, Poblacion, Libungan, North Cotabato alas
9:20 kahapon ng umaga.
Kinilala ni PCInps. Bernard Tayong, hepe ng
Libungan PNP ang biktima na si Kamad Masaya, 37, residente ng Tinimbakan,
Banisilan habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Kadil Alimaw
Pananggalan, 65, may asawa at residente ng Sitio Tumpok.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulisya,
lumalabas na habang nag-iinuman ang dalawang magkaibigan ay nagkaroon ng
mainitang pagtatalo habang sa nauwi sa pamamaril.
Pitong beses na pinagbabaril ng suspek ang
biktima gamit ang kalibre .45 na baril, ayon kay PCIns. Tayong.
Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas
bakal ang biktima habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento