Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Health Facility Enhancement Program, sinimulan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Iba’t-ibang mga health facility enhancement program ang ipinapatupad ngayon ng Rural Health Unit ng Kabacan.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu Jr., ang nasabing programa ay pinonduhan ng DOH na nagkakahalaga ng abot sa P2 Milyong piso.


Kapareho ding halaga ang ilalaan para sa general renovation ng RHU Kabacan, ayon kay Dr. Edu.

Bukod dito, nagpapatuloy naman ang konstruksiyon ng Barangay Station ng Dagupan at Brgy. Aringay na nagkakahalaga ng P1 Milyong piso ang bawat proyekto.

Samantala, ginagawa naman ngayon ang repair para sa Brgy. station ng Pisan at Pedtad na nagkakahalaga ng P300,000 ang bawat isa.


P150,000 naman ang ibinuhos na pondo para sa ginagawang Brgy. Station ng Nangaan habang P1.3M naman ang pondo para sa ilalagay na Brgy. Station naman sa Simone. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento