(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 23,
2014) ---May malaking kaugnayan umano ang pag-inom ng alak sa pagiging balisa
ng isang tao.
Ito ang lumabas sa isang pag-aaral na
isinagawa ng Department of Psychology ng College of Arts and Sciences dito sa
University of Southern Mindanao.
Ang pag-aaral ay ginamitan ng Michigan
Alcohol Screening Test (MAST) at Beck Anxiety Inventory upang matukoy ang ugali
at pagiging balisa ng isang tao.
Ginawa ang pagsaliksik sa isang daang mga
mag-aaral ng University of Southern Mindanao na naging respondents sa nasabing
pag-aaral.
Lumabas sa ginawang pag-aaral na 50 buhat sa
100 mga mag-aaral ay may problema sa pag-inom ng alak habang 35 porsiento naman
ang may katamtamang pagkabalisa habang 31 sa kanila ang may matinding
pagkabalisa.
Sa nasabing pag-aaral, lumalabas na may
malaking kinalaman ang pag-iinom ng isang tao sa pagiging balisa nito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento