(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2014)
---Tanggal na ang grants and donations ng Vice-Mayor at mga konsehal sa
Kabacan.
Ito ang sinabi kahapon sa DXVL News ni
Kabacan Vice Mayor Myra Dulay Bade matapos ang circular na inilabas ng
Commission on Audit.
Sa nasabing cicular, tatanggalin na sa
opisina ng Vice-Mayor at ng mga konsehal ang Kanilang grants and
donations. Kada miyembro ng Sangguniang
Bayan ay tumatanggap ng P8-9,000 kada buwan habang P18,000 naman ang para sa
Vice Mayor.
Dahil abolished na ang grant and donations,
deretso na sa Office of the City Mayor ang mga solicitation na manggagaling sa
mga nasasakupan ng mga konsehal.
Auon kay Vice Mayor Dulay, minsan ay mula na
sa sarili nilang bulsa nanggagaling ang kanilang tulong sa mga humihinging
pasyente at mga nakakailangan sa kanila dahil wala na silang grants and
donations ngayong taon.
Kinukuha kasi sa Grants and Donations ang
emergency health assistance at hospitalization. Dito rin kukunin ang para sa
death at burial assistance na hindi bababa sa P2,500 kada mahirap na pamilya’ng
namatayan.
Malaki ang paniniwala ni Dulay na sa
pamamagitan ng One Fund Policy ay maiiwasan na ang korupsyon sa konseho at
maigugugol na nila ang kanilang panahon sa pagpapasa ng mga batas, resolution,
at iba pang mga legislative measures. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento