(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2014)
---Negatibo sa anumang Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV) ang
Rehiyon 12 sa ngayon.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni DOH 12 Health
and Education Promotion Officer Jenny Ventura.
Aniya, walang MERS-Cov na sakit ang naitala
sa Rehiyon 12 taliwas sa unang naiulat na may nag positibo umano sa lalawigan
ng Sultan Kudarat.
Samantala ngayong araw naman, ipapalabas ang
swab test sa mga isinailalim at ino-obserbahan sa naturang sakit.
Sa hiwalay na panayam naman kay Kabacan Disease
Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon iginiit nitong negatibo din ang
bayan sa naturang sakit.
Una na ring sinabi ng Department of Health
na negatibo ang nasa 100 pasaherong sakay ng Etihad Airways mula sa Gitnang
Silangan na nakasabay ng Pinoy na unang carrier ng naturang sakit.
Ayon sa ulat ng Department of Health (DoH),
mula sa 414 pasahero ay halos 200 na ang na-contact ng mga otoridad para
isailalim sa obserbasyon at swab test.
Kaugnay nito, muling umapela ang gobyerno sa
iba pang pasahero na kusa nang magpasuri upang malaman ang kanilang kondisyon
kaugnay sa MERS-CoV. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento