(Kabacan, North Cotabato/ April 28, 2014)
---Abot sa 1,200 board feet na mga illegal na troso ang nakumpiska ng mga
otoridad sa nagpapatuloy na kampanya nila kontra illegal logging sa Kabacan.
Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan
PNP ang nasabing mga illegal na troso ay nakuha nila sa Brgy. Pisan alas 9:30
ng gabi nitong Sabado.
Maliban sa iba’t-ibang klase ng illegal
logs, nakumpisak din nila ang isang chain saw na giangamit ng mga tumakas na
suspek sa pagpuputol ng kahoy sa lugar.
Nanguna sa isinagawang operasyon ang mga
elemento ng Kabacan PNP, RPSB12 na pinamumunuan ni Pinsp. Maxim Peralta, 38IB
PA, Pisan detachment na pinamumunuan ni Neri Ricafort Jr., Kagawad Avelino
Aguinaldo ng Pisan sa pakikipagtulungan ni MENRO Head Jerry Laoagan.
Ang lugar kungsaan isinasagawa ng mga
illegal loggers ang pamumutol ng kahoy ay tinaguriang preserve watershed area
sa lugar.
Nakatakda namang i-turn-over sa DENR ang
nasabing mga kahoy para sa gagawing imbestigasyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento