Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

21-anyos na lalaki, caught in the act sa pagnanakaw

(Kabacan, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Kalaboso ngayon ang isang 21-anyos na lalaki makaraang mahuling nagnanakaw ng mga gamit pang karpintero sa brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Fajad Tasil Abdullah, 21, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Nahuli sa akto ang suspek habang ninanakaw nito ang electric plainer na nagkakahalaga ng P2,800 at isang unit ng electric drill bet na nagkakahalaga ng P3,500.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek ang mga brgy. opisyal ng Cuyapon na pamumuno ni Kapitan Ernesto Bigsang.


Nabatid pa sa report ng Kabacan PNP na ang suspek ay suspected carnapper din umano na responsible sa ilang nakawan ng motorsiklo sa bayan. Rhoderick Beñez kasama si USM Devcom Intern Bai Zairah Sinolinding

0 comments:

Mag-post ng isang Komento