Written
by: Rod Rivera Bautista
Magiging malaking tulong umano ang data base
na inilabas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD XII sa social
services and support programs ng Unang Distrito ng North Cotabato.
Ito ang inihayag ng opisina ni Rep. Jesus
Sacdalan matapos matanggap mula sa DSWD XII ang Listahanan data base na mas
kilala dati sa tawag na National Household Targeting System for Poverty
Reduction o NHTS- PR.
Mahalaga umano ang Listahanan para matukoy
kung sino at saan nakatira ang mga mahihirap partikular sa PPALMA area.
Magsisilbi rin itong gabay kung sino ang
nararapat na maging benepisyaryo sa itinataguyod na social services and support
programs sa Distrito Uno. PPALMA DXVL
NewsCorrespondent
0 comments:
Mag-post ng isang Komento