USM Security Head Ronald Lopez |
(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 30,
2014) ---Inilagay na ngayong umaga sa half mast ang watawat ng University of
southern Mindanao na nasa Administration building bahagi ng pagdadalamhati at
pakikiramay ng pamunuan ng USM sa pagpaslang kay USM Security Head Ronald
Lopez.
Sa ngayon hustisya at katarungan ang sigaw
ng mga kapamilyang naulila ni Lopez, kasama na ang mga kasamahan sa trabaho at
mga kaibigan sa Pamantasan.
Sinabi naman ngayong umaga ni USM Pres.
Francisco Gil Garcia sa panayam sa kanya ng DXVL News na magbibigay ito ng
kaukulang tulong sa mga pamilya ng naulila ni Lopez.
Kaugnay nito, magsasagawa naman ng emergency
meeting ang pamunuan ng USM kaugnay sa nasabing insedente at pag-usapan dito
kung paanu pa maigtingan ang seguridad sa loob ng pamantasan.
Pinawi naman ng Pangulo ang pangamba ng
publiko na ligtas naman ang loob ng pamantasan sa anumang karahasan.
Napag-alaman na binaril ng riding tandem assassin
si Lopez ng papauwi na ito galing ng opisina matapos ang ginawang pag-overtime
kagabi habang naka convoy kay Dr. Cayetano Pomares.
Nagtamo ng limang beses na tama ng bala ang
biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawana na naging dahilan ng agaran
nitong kamatayan. Rhoderick BEñEZ
0 comments:
Mag-post ng isang Komento