Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 miyembro ng Al Khobar, timbog sa magkahiwalay na lugar sa Sultan Kudarat!

(Tacurong City, Sultan Kudarat/ May 1, 2014) ---Arestado ang dalawang kasapi ng kilabot na notoryos Al Khobar group sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Muling na tiklo ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Talakudong, Philippine Army's 7th Infantry Battalion, Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-ARMM at CIDG-12 ang notoryus na si Datukan Samad alyas Lastikman pasado alas kwatro ng hapon kahapon sa isang Resto Bar sa Tacurong city.


Agad dinala si Lastikman sa CIDG-12 Headquarters sa Isulan, Sultan Kudarat para sumailalim sa imbestigasyon.

Una nang nakatakas si Lastikman mula sa Amas Provincial Jail matapos itong atakihin ng kanyang mga kasamahan dalawang taon na ang nakakalipas.

Si Lastikman ay huling namonitor na nag-ooperate sa Pikit, North Cotabato kung saan ay naengkwentro pa ng militar ang kanyang mga kasamahan.

Sangkot ang suspek sa iba’t-ibang kriminalidad sa Central Mindanao kagaya ng robbery hold-up, pangingidnap, cattle rustling, carnapping at iba pa.

Samantala, tiklo naman ang isa pang kasapi ng miyembro ng teroristang grupo na Al Khobar makaraang mahuli sa Buluan, Maguindanao nitong Abril a-29.

Kinilala ang naturang miyembro ng Al Khobar kay Tahir Abubakar.

Naaresto si Abubakar sa pamamagitan ng joint efforts na isinagawa ng SMPKI-OCPNP, Regional Intelligence Unit (RIU) 12, Military Intelligence Company (MICO) 12, 33RD Infantry Battalion (IB), Philippine Army (PA), at Maguindanao Police Provincial Office (PPO) kasama ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Napag-alaman na ang suspek ay may warrant of arrest dahil sa kasong murder.

Sa ulat ng Police Regional Office 12, si Abubakar ay may patong sa ulo na P400,000 kaugnay sa pagkakasangkot nito sa serye ng pamomomba sa ilang lugar sa Mindanao.

Ayon kay Police Senior Superintendent Rex Dela Rosa, isinailalim pa sa masusing inbestigasyon ang nahuling suspek.

Kaugnay nito, naghigpit na ngayon ng seguridad ang mga otoridad sa Sultan Kudarat dahil sa posibleng paghigante ng mga kasamahan ni Abubakar.

Napag-alaman na ang teroristang grupo ng Al Khobar ay itinuturong suspek sa ilang insedente ng pamomomba at diumano'y pangingikil sa ilang kompanya ng bus sa Mindanao. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento