(Upi, Maguindanao/ May 2, 2014) ---Patay ang
tatlo katao kabilang na ang isang Barangay Kapitan habang isa pa ang sugatan makaraang paulanan ng bala ang
kanilang sinasakyan sa Sito Bajar, South Upi, Maguindanao alas 8:00 ng umaga
kahapon.
Dead on the spot si Brgy Pandan Chairman
Perfecto Travilla at kasama nitong si Alex Dumaga, 22 anyos; Jason Mundo,
16-anyos makaraang magtamo ng multiple gunshot wound sa kani kanilang katawan
habang patuloy na nagpapagaling sa ospital ang 32 anyos na si Anne Benito.
Ayon kay South Upi Councilor Maria Sagan sakay
ng kanyang owner type jeep si Travilla kasama ang mga biktima ng ratratin ng di
pa nakilalang suspek ang kanilang sasakyan sa nasabing lugar na naging dahilan
ng kamatayan ng mga biktima.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang
imbestigasyon ng South Upi PNP para alamin ang motibo sa pagpaslang sa punong
barangay. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento