Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pisan Caves ng Kabacan, namumukod tanging kweba sa Rehiyon 12

Written by: Sarah Jane Guerrero

(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Kasali sa anim na mga kweba sa Socsargen Region ang dalawa sa limang kweba ng barangay Pisan, Kabacan, Cotabato na nacategorized bilang Class II at Class III, ito ay ayon sa DENR Memorandum Circular bilang 2014-13 na inaprubahan at ipinalabas noong April 8, 2014. 

Ang Cathedral at Avenue Caves ay nacategorized bilang Class II o yung may mga parte ng kweba na may mga hazardous na kondisyon at ito ay para lamang sa mga experienced cavers at kasali dito ang mga guided educational visits. Samantalang, ang Lope Cave naman ay na categorized bilang class III o bukas para sa mga mga inexperienced cavers. 

Dagdag pa dito ang category III ay nagpapahiwatig na ang kweba ay ligtas sa ano mang posibleng pagkasira ng ecosystem nito.

Ang Cave Classification ay isang rekomendasyon mula sa National Cave Committee na base naman sa mga probisyon na nakasaad sa Republic Act bilang 9072 o ang National Caves at Cave Resources Management and Protection Act. Matatandaan na nagsagawa ng cave classification ang DENR 12, Regional Caving Committee noong July 8-10, 2011 sa Barangay Pisan, Kabacan, Cotabato.

Base pa rin sa Memorandum bilang 2014-03, nakasaad dito na kinakailangang maghanda at gumawa ang Lokal na pamahalaan ng Kabacan ng cave management plan para sa bawat isang na categorize na kweba at bigyang diin dito na sa lahat ng mga activities na may layuning gaya ng ecotourism, scientific, educational at economic ay kinakailangang may patnubay ng isang DENR Personnel.

Noong January 27, 2012 inaprobahan ng Sangguniang Bayan ng Kabacan at ngayon ay isa ng batas ang Municipal Ordinance bilang 2012-01 o mas kilala bilang the Cave Ordinance of Kabacan. 

Ang ordinansang ito ay ang pagregulate ng mga pumapasok na tao sa Kabacan Caves at ang pagbibigay ng kaukulang fees at penalties. 

Nakasaad sa ordinansang ito ang mga di dapat gawin habang nasa loob at labas ng Kabacan Caves gaya ng panghuhuli ng paniki at iba pang ibon, vandalism, pagaalis ng ibat-ibang rock formations, logging at kaingin, treasure hunting, paggamit ng sabon at shampoo habang naliligo sa loob ng caves, paninigarilyo, pagluluto at pagkain sa loob ng kweba at iba pa. 

Kaugnay pa rito, kinakailangang makipagugnayan muna sa Lokal napamahalaan ng Kabacan ang sino mang magnanais na pumasok sa mga nasabing kweba ito ay para narin sa kanilang seguridad at proteksyon.

Ang Barangay Pisan, Bangilan at Nangaan ay kilala hindi lamang sa North Cotabato kundi sa buong bansa dahil sa mga natural na formations ng caves nito. 

Samantala, pinaghahandaan naman ng Lokal na pamahalaan ng Kabacan at ng Barangay LGUs ang nalalapit na pagsagawa ng The 2nd Spelunking Challenge 2014. DXVL News





0 comments:

Mag-post ng isang Komento