(Carmen, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Mahigit
kumulang isang libong board feet ng hard wood ang nasabat ng mga awtoridad sa hangganan
ng Barangay Bintangan bayan ng Carmen at Barangay Kitubod, Libungan, Cotabato
kahapon.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng 7th
IB, PA; Carmen PNP at DENR Midsayap ay nabawi nila ito sa mga pinaghihinalaang
illegal loggers.
Ang mga suspek na illegal loggers ay mga armado umano
ayon kay Vice Governor of Indigenous People Dahil Mampurok.
Kaya nang matunugan ng mga ito na paparating ang mga
otoridad, inabandona na lamang nila ang lugar.
Tumambad sa mga otoridad ang bulto-bultong illegal na
hard wood.
Sa ngayon patuloy na tinutugis ng Carmen PNP ang mga
suspek na responsable sa nasabing gawain. Rhoderick
Beñez with report from USM-Devcom Intern Davie jame Castillo DXVL News.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento