(Magpet, North Cotabato/ May 1, 2014) ---Sisimulan
na bukas ang taunang summer kids peace camp sa bayan ng Magpet, North Cotabato.
Ito ay gaganapin sa Apostol Memorial Central
Elemmentary school at tatagal ng tatlong araw.
Ayon kay Police Senior Inspector Realan E.
Mamon, hepe ng Magpet PNP, nakahanda na umano ang kanilang security plan sa
naturang aktibidad. Dagdag pa niya nakipagcoordinate na umano sila sa BPAT para
sa karagdagang security force.
Ang summer kids peace camp ay taon- taong
ginaganap sa iba’t-ibang mga bayan sa lalawigan at isa sa mga programa ng
Cotabato Provincial Government sa pangunguna ni North Cotabato Governor Lala
Taliño Mendoza.
Layunin ng programang ito na ipabatid sa mga
batang partisipante ang mga basic life skills nang sa ganun ay maging
responsable sila at maging produktibong mamamayan balang araw. Isa rin itong
instrumento para ipakita sa mga kabataan ang pagkakaroon ng positibong pananaw
sa buhay.
Kunektado ka sa mga balita mula sa Magpet
North Cotabato, USM-DevCom intern Regine Barba Lanuza DXVL newss
0 comments:
Mag-post ng isang Komento