Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bagong laya, pinatay sa droga

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang bagong laya na preso makaraang barilin ng walong beses ng di kilalang suspek sa crossing ng Doña Aurora st. at Maria Clara st., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Turo Bildik, 26-anyos at residente ng Purok Krislam ng bayang ito.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat, sinundan ng suspek ang biktima at walang abu-abung pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistol.

Ang suspek ay lulan ng isang kulay itim na Honda XRM na walang plaka.  

Matapos na matiyak na bulagta na ang biktima agad na tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.

Nabatid na ang biktima ay bagong laya galing sa provincial jail Kidapawan City na may kaso sa iligal na droga.

Isa ang illegal drugs sa mga anggulong sinusundan ngayon ng Kabacan PNP sa nasabing pamamaslang.

Samantala, patay naman Ang isang lalaki matapos mabundol ng karo ng patay pasado alas 8:00 ng gabi kamakalawa sa Pigcawayan, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Regan Saliling, 24 anyos, residente ng Carmen, North Cotabato.

Batay sa imbestigasyon ng Pigcawayan PNP, nagbibisikleta si Saliling sa national highway nang biglang mahagip ng humaharurot na karo ng patay na pag-aari ng St. Peter.

Dead on arrival sa pagamutan si Saliling habang nakatakda namang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng karo. Rhoderick Beñez with report from USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding


0 comments:

Mag-post ng isang Komento