Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Work Related sa Lopez’s Case, tinututukan ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Isa ang anggulong work related sa mga tinutumbok na motibo sa pagpaslang sa hepe ng sekyu ng University of Southern Mindanao.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sa nagpapatuloy na imbestigasyon nila sa pagbaril patay kay USM Chief Security Ronald Lopez.

Kaugnay nito, patuloy na tinutugis ngayon ng mga otoridad ang suspek sa nasabing pamamaslang.

Bagama’t may lead na silang sinusundan kung sinu ang salarin, di muna ito binanggit ng opisyal upang di madiskarel ang nagpapatuloy na imbestigasyon nila.

Naglatag naman ngayon ng security measures ang mga otoridad sa palibot ng Pamantasan upang matiyak na ligtas ang mga kawani, guro at mga estudyante sa anumang karahasan sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo.

Ito ang tiniyak naman ni USM Pres. Francisco Garcia matapos ang isinagawang pagpupulong ng mga ito sa mga alagad ng batas. Rhoderick Beñez with report from USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding

0 comments:

Mag-post ng isang Komento