Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Organic control para sa nakakapinsalang fruit fly, malaking tulong sa mga magsasaka

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang pagsasaliksik ng Office of the Research and Extension ng University of Southern Mindanao hinggil sa organic na pang control ng nakakapinsalanag fruit fly.

Ito ayon kay USM research and Extension Director Dr. Ariston Calvo matapos na matuklasan nito sa isang pag-aaral ang isang halaman na may kakayahang komontrol sa mapinsalang fruit fly.

Ang fruit fly daw kasi ay nakapipinsala sa mga bunga ng tanim, ito rin ang isa sa mga sanhi ng pagkabulok ng mga bunga.

Ayon kay Dr. Calvo ang nasabing tanim ay kailangang i-extract at ang residue nito ay haluan ng konting tubig, pagkatapos nito ay maari na itong gamitin.

Ang nadiskubreng ito ay nakaka’attract umano ng mga mapaminsalang fruit fly at di na kailangan pa ng anumang kemikal.

Tumanggi munang ihayag ni Dr. Calvo kung anung halaman ang nasabing pangontra sa fruit fly habang nagpapatuloy pa ang aplikasiyon nito para mabigyan ng patent.

Sa ngayon naghahanda na si Dr. Calvo para naman sa gagawing ebalwasyon sa Rehiyon 12 ng Department of Agriculture matapos na isa siya sa mga pambato ng probinsiya para sa Agricultural Scientist.


Konektado ka sa mga balita mula sa Research and extension Office ng USM, USM-DevCom intern Regine Barba Lanuza DXVL NEWS

0 comments:

Mag-post ng isang Komento