Written by: JIMMY STA. CRUZ
AMAS, Kidapawan City/ May 3, 2014– Sampung mga bagong
multi cab ang naipamahagi ng Provincial Government of Cotabato sa abot sa 8
barangay at isang local government unit sa Cotabato province.
Ito ay sa isang
simpleng turn-over ceremony na ginanap sa lobby ng Provincial Capitol alas
nuebe ngayong umaga na dinaluhan ng mismong mga punong barangay at alkalde na
pawang recipient ng proyekto.
Kabilang ang mga
barangay ng Salat at Lama-Lama sa President Rojas, West Patadon at Arakan sa
Matalam, Demapaco sa Libungan, Batang sa Tulunan, Libertad ng Makilala at
mismong LGU ng Makilala sa mga nabiyayaan ng nabanggit na sasakyan.
Ang proyekto ay
isang joint venture ng Provincial Government of Cotabato sa pangunguna ni Gov.
Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at ng
Trade Union Congress of the Philippines o TUCP na ang layon ay mabigyan ng
kinakailangang sasakyan ang mga barangay upang magamit sa mga emergency of
official transactions.
Marami na ring mga
barangay sa lalawigan ng Cotabato ang nabiyayaan ng multi cab at ngayon ay
pinakikinabangan lalo na sa paghahatid ng mga pasyente sa ospital at iba pa.
Abot naman sa
P200,000 ang halaga ng bawat multi cab na ipinamahagi kanina o may kabuuang
halaga na P2M.
Sa mensahe ni
Incoming Provincial Administrator Van Cadungon, sinabi niya na malaki ang
ginhawang dulot ng mga sasakyan sa mga barangay lalo na sa mga emergency
situations.
Pero sinabi rin niya
na dapat alagaan ang mga ito at huwag abusuhin.
Ayon kay Barangay
Salat, Pres. Rojas Chairman Abdullah Makaalay, lubos ang pasasalamat niya sa
pagbigay sa kanila ng sasakyan.
Dati kasi, sa
motorsiklo o habal-habal lang nila isinasakay ang mga may sakit o pasyente
kaya’t ganoon na lamang ang hirap nila.
Matapos namang
sumailalim sa briefing at orientation sa wastong paggamit ng sasakyan, lumagda
sa isang Memorandum of Agreement o MOA ang mga recipients at ang Provincial
Government of Cotabato. (JIMMY STA.
CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento