(Pikit, North Cotabato/ April 28, 2014) ---Naglabas
ng progress report ang tanggapan ng Malitubog- Maridagao o Mal-Mar Irrigation
Project Phase II kaugnay ng implementasyon ng nasabing multi-million irrigation
project.
Batay sa report na isinumite ni Project
Manager Engr. Noldin Oyod, nasa 21% ng kabuuang proyekto ang aktwal nang
natatapos.
Sa kasalukuyan ay 18.73% na ng higit P4
Billion approved cost ang nagagamit sa aktwal na implementasyon ng Phase II ng
Mal-Mar Irrigation Project.
Samantala, puspusan din ang ugnayan ng
Mal-Mar Project Management Office sa mga magsasaka sa service area ng proyekto
kung saan nagsagawa na ng farmers trainings, pag- organisa sa irrigator’s
associations, at consultative dialogue sa turn- out service area groups.
Nabatid na higit dalawang libong ektarya ang
kabuuang service area ng Mal-Mar Irrigation Project at target na matapos ang
implementasyon ng proyekto nito sa taong 2016. Roderick Rivera Bautista/ DXVL News Correspondent PPALMA Area
0 comments:
Mag-post ng isang Komento