Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Concreting ng Poblacion 1- Sadaan Road sa Midsayap, North Cotabato nakatakda nang simulan

By: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Notice to Proceed o NTP na lamang ang hinihintay ng project implementer upang masimulan na ang concreting ng Poblacion 1- Sadaan Road dito sa bayan ng Midsayap.

Ayon kay RDEN Construction and Supply at Project Engineer Federico Quidangen, nais man nilang masimulan agad ang proyekto ay kailangan nilang sumunod sa proseso ng gobyerno.

Ngunit binigyang diin ni Quidangen na ngayong Mayo ay masisimulan na ang road concreting project sa oras na mailabas na ng DPWH Cotabato Second Engineering District Office ang hinihintay nilang NTP.


Nabatid na kasama ng RDEN Construction and Supply ang J- One Builders sa pagpapatupad ng road concreting project.

Batay sa plano, babakbakin ang nasirang aspalto mula tapat ng Aglipayan Church patungo sa National Highway sa Barangay Sadaan at papalitan ng konkretong kalsada.

Ito ay may habang 1.5 kilometers na may alokasyong P17 Milyon.

Kaugnay nito ay hinikayat ng opisina ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan ang mga mamamayan ng Poblacion 1 at Sadaan kasama ng kanilang barangay officials na tulungan ang project implementers lalung- lalo na kung may mga problema sa road right of way at damage in private properties.





0 comments:

Mag-post ng isang Komento