Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Granada, inihagis sa isang establisiemento sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 3, 2014) ---Isang granada ang sumabog kagabi, makaraang itapon ng isang suspek sa harapan ng isang establisiemento sa USM Avenue, Kabacan, Cotabato pasado alas 11:00 kagabi.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP bagama’t walang nasakatan, nag-iwan naman ito ng pinsala sa rolled-up door ng Costar Commercial Center.

Agad namang naaresto ang suspek na nagpanggap pa umanong tricycle driver matapos ang ginawang pursuit operation ng mga kapulisan sa tulong ng entrapment operation ng mga kapulisan at BPAT.


Sa ngayon, inaalam na ang pagkakakilanlan ng nasabing suspek at inihahanda na ng kapulisan ang kasong isasampa laban sa suspek na ngayon ay nasa Kabcan Lock up cell. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento