(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2014) ---Dead on
arrival sa USM Hospital ang USM Security Director makaraang pagbabarilin sa bahagi ng
USM Machinery sa loob ng USM Main Campus, Kabacan, North Cotabato dakong alas
7:30 ngayong gabi lamang.
Sa report ng USM Security Force nakilala ang biktima na
si Ronald Lopez, dating ULS Principal at USM Security Chief.
Batay sa report, naka-convoy ang biktima sa sasakyan ni
Dr. Cayetano Pomares pauwi galing ng opisina at pagdating sa nasabing lugar ay
pinagbabaril ng riding tandem assassins gamit ang di pa matukoy na uri ng
armas.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa USM Hospital pero
di na ito umabot pa ng buhay.
Nabatid na sinundan umano ang mga biktima bago nangyari
ang insedente.
Napag-alaman pa na ang biktima ay may mga natatanggap na
banta sa buhay bago naganap ang pamamaril.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon
para matukoy ang totoong motibo. Rhoderick
Beñez
RIP drafting master!
TumugonBurahin