Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay; 1 sugatan sa shootout sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ February 3, 2014) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang 21-anyos na lalaki habang sugatan naman ang isa pa nitong kasama matapos na pagbabarilin ang mga ito sa Barangay Poblacion, Kidapawan City pasado alas 12:00 ng medaling araw kahapon.

Kinilala ang namatay na si Geydefredo Gayorgor habang kinilala naman ang sugatan na kasama nito na si Joey Bugaay , isang security guard kapwa residente ng Villamarso Street ng lungsod.



Batay sa ulat ng Kidapawan City PNP ang dalawang mga biktima ay pauwi na sakay ng isang motorsiklo galing sa Kidapawan City Sports Complex at pagdating nila sa harap ng COTELCO office sa Barangay Poblacion ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng dalawang mga di kilalang suspek na riding tandem gamit ang XR200 na motorsiklo.

Nagtamo ng tama sa ulo at iba pang parte ng kanyang katawan si Gayorgor na nagresulta sa agaran nitong kamatayan habang tinamaan naman sa braso si Bugaay at nagawa pa nitong isugod ang kanyang sarili sa isang bahay pagamutan.

Habang ang mga suspek ay agad na tumakas patungo sa di malamang direksyon.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong fired cartridge mula sa kalibre kwarentay singko na baril at ngayon ito ay isinasailalim na sa ballistic examination sa pangununa ng scene of the crime operatives.

Kaugnay nito patuloy ang malalimang imbestigasyon at monitoring ng intelligence team mula sa Kidapawan City PNP para matukoy ang responsible sa panibagong insidente ng pamamaril sa lungsod. Romnick Cabaron

0 comments:

Mag-post ng isang Komento