(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Pormal ng nagtapos kahapon ang Business One Stop Shop na programa ng LGU Kabacan para mapadali ang pagkuha ng business permit ng mga negosyante sa bayan.
Ito ayon kay Business Permit Licensing Head Cecilia Facurib kungsaan nasa 60 porsiento pa lamang ang mga naka-renew at nakakuha ng bagong business permit.
Batay sa pinakahuling data kahapon, abot lamang sa 332 ang nabigyan ng business plate and certificate buhat sa mahigit 500 nag apply nito sa treasurer’s office ayon kay Mam Facurib.
Aniya, hangga’t di pa maaprubahan sa Sanggunian ang pagpapalawig ng nasabing transaksiyon may kaukulang penalty na ang mga hindi pa naka-proseso kahit isang hakbang lang man sa pagkuha ng permit. Rhoderick Beñez
DXVL Staff
...
Mga kumuha ng business permit sa Kabacan nasa 60%
Lunes, Pebrero 03, 2014
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento