Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

‘powerful bomb’ ng BIFF, napigilan ng military

(Maguindanao/ February 3, 2014) ---Napigilan ang sana’y pagsabog ng mapinsalang “powerful homemade bomb” na itinanim ng mga grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy. Macasampen sa bayan ng Guindulungan lalawigan ng Maguindanao kahapon ng umaga.

Ayon kay Army's 6th Division spokesperson Dickson Hermoso na nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente ng nasabing barangay kaugnay sa iniwang improvised explosive device (IED) ng mga rebelde sa bahagi ng national highway.

Sinabi ni Hermoso, na ito ay diversionary tactics ng grupo para mailihis ang paghahabol ngmga sundalo sa kanila bukod pa sa panibagong tangka ng mga rebelde para makapaghasik ng kaguluhan sa lugar.

Nabatid na 12 katao ang nasugatan, kabilang ang dalawang journalists, anim na sundalo at apat na sibilyan sa pagsabog ng bomba sa nasabing ring lalawigan kahapon.

Batay sa inisyal na ulat ng Armed Forces of the Philippines na sumampa na ngayon sa mahigit 50 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa halos isang linggong engkuwentro ng pangkat ng pamahalaan at mga bandidong BIFF matapos na ibinaba ang warrant of arrest laban sa kanila makaraang masangkot angmga ito sa mga nakaraang kaguluhan sa Maguindanao at North Cotabato, ayon pa kay Hermoso. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento