Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magbababoy, panibagong biktima ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2014) ---Sugatan ang isang 53-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin sa National High partikular sa Barangay Katidtuan, Kabacan, North Cotabato alas 9:50 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Celso Cuenca Cuerda, may asawa at residente ng Poblacion bayan ng Carmen.


Batay sa ulat, sakay umano ang biktima sa tricycle mula sa Matalam papunta ng Kabacan at pagdating sa nasabing lugar ay pinagbabaril ito ng riding tandem assassins gamit ang homemade shotgun.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa braso nito.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek papunta ng brgy. Dagupan habang agad namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical Specialist center para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Patuloy naman ang ginagawang dragnet operation ng Kabacan PNP para mahuli ang responsable sa nasabing krimen.

Posibleng may kinalaman sa trabaho o negosyo nito ang motibo sa pamamaril, ayon sa Kabacan PNP.

Ito na ang pangalawang kaso ng pamamaril sa Kabacan sa loob ng isang linggo.

Matatandaang pinagbabaril din noong gabi ng Martes si Van Antonio Marollano sa Corner Aglipay St. at Roxas St., matapos tangayin ang kanyang kulay itim na XRM na motorsiklo. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento