(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2014)
---Iginiit ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na kontrolado ang peace
and order sa Kabacan sa kabila ng mga serye ng kriminalidad sa bayan.
Ito ang sinabi sa DXVL News ng punong
ehekutibo sa panayam kahapon matapos ang closed door meeting nito sa PNP sa
pamumuno ni Supt. Jordine Maribojo at kay 7th IB Civil Military
Officer 1st Lt. Banoey.
Aniya, nagpalabas na ito ng deriktiba sa
kapulisan at kasundaluhan na paigtingin pa ang seguridad partikular na sa
Poblacion ng Kabacan.
Dagdag pa ng alkalde na may augmentation na
rin ang militar para sa dagdag na pwersa ng PNP maliban pa sa mga barangay
tanod at BPAT.
Bukod dito, nagbuo na rin si Mayor Guzman ng
Motorcycle forces, para sa foot patrol, mobile patrol at intelligence
gathering.
Kaugnay nito, aminado ang opisyal na sa
kabila ng ginagawa nitong hakbang na mapabuti ang peace and order ng Kabacan di
pa rin nito makakaya kung wala ang kooperasyon ng taong bayan.
Kaya hinikaya’t nito ang publiko na agad
magsumbong sa PNP kung may mga nakikitang kahina-hilanag bagay o tao.
Samantala, negatibo naman sa IED ang
nakitang suspicious baggage malapit sa PR Bank, na nasa lagusan ng mga sasakyan
mula sa KAbacan Public Market pasado alas 6:00 kagabi.
Sa kabila nito, agad naming kinordon ang
lugar na naglikha ng tensiyon at takot sa mga dumadaan hinggil sa panibagong
nakitang suspected IED.
Gayunpaman, kahit na negatibo sa IED,
nagpasalamat ang otoridad sa publiko dahil na naging vigilante na ang taong
bayan.
Matatandaan na nitong nakaraang lingo dalawa
ang nasugtan na pasabugin ng EOD team ng IED na gawa sa 81mm na inilagay sa
tangke ng LPG. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento