(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 14,
2014) ---Nagpayahag ng kanilang saloobin ang ilang USM Constituents kaugnay ng
pagkakahalal ni Dr. Francisco Gil Garcia bilang bagong presidente ng
pamantasan. Ilan sa mga ito ang nagpahayag ng kanilang mga inaasahan sa bagong
administrasyon.
Samantala, ilan sa mga ating nakapanayam ang
nagbigay ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng written interview.
Una, isang lider na walang balak magpakasasa
sa yaman ng pamantasan.
Pangalawa, bibigyang pansin ang
pangkalahatang kapakanan ng pamantasan at hindi ng iilan grupo lamang at
pangatlo,tapat, may transparency, objective, at hindi mapaghiganti.
Pati sa social media gaya ng facebook ay
naging maugong din ang pagkahalal ng bagong USM president.
Sa pangkalahatan, umaasa ang ilang mga USM
Constituents na ang bagong liderato ay mayroong magandang hangarin para sa
pamantasan upang mapabilang ang pamantasan sa mga de-kalidad na pamantasan sa
bansa. Abdullah Matucan, USM Devcom
Intern
0 comments:
Mag-post ng isang Komento