(Makilala, North Cotabato/
February 10, 2014) ---Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 39-anyos na
motorist makaraang masangkot sa aksidente sa National Highway particular sa
Sitio Flortam, Batasan, Makilala, North Cotabato alas 8:30 kahapon ng umaga.
Kinilala ng Makilala PNP ang
biktima na si Leonard Cirunay, 39-anyos residente ng Lapu-lapu extension, Digos
City at minamaneho nito ang kanyang Honda ZN 125 na may license plate 5520 LY
ng masuwag nito ang kaliwang bahagi na gulong ng elf na may plakang GFW 727.
Patay on the spot ang biktima
matapos na mapuruhan sa ulo.
Kinilala naman ang driver ng elf
na si Rechel Baguion, 25-anyos at residente ng Magsaysay, Davao del sur.
Nabatid na papunta ang biktima
sa Kidapawan city para manood umano ng drag race ng maaksidente ito.
Sa ngayon, pinag-iisipan pa ng
pamilya ng biktima kung magsasampa angmgaito ng kaso.
Samantala, pinabulagta ng mga di
pa nakilalang salarin ang farm manager ng Aradico Banana Plantation sa
nangyaring pamamaril sa Sitio Midtapakan, Barangay Napalico, Arakan, North
Cotabato alas 6:45 ng gabi nitong Sabado.
Kinilala ni PSI Rolly Oranza,
hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Salvador Gonzales, 63-anyos at residente
ng Davao City.
Sinabi ni Oranza na posibleng
may kinalaman sa trabaho nito ang nasabing krimen. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento