Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Motor pool, grinanada!

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Hinigpitan na ngayon ang seguridad sa paligid ng University of Southern Mindanao matapos na hagisan ng granada ang USM Transport na nasa loob ng USM Main campus, Kabacan alas 7:20 kagabi.

Sa nakalap na impormasyon ng DXVL News mula sa mga guwardiyang sina John Subat at Claudio Redillas kumakain ang mga ito ng biglang may sumabog.


Sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan PNP, sumabog ang granada na itinapon ng mga di pa nakilalang suspek sa masukal na bahagi ng USM Machinery.

Ayon sa report ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP dalawa umano ang itinapong granada ngunit isa lamang sa mga ito ang sumabog at ang isa ay hindi sumabog kung saan narekober ito sa ilalim ng pulang pick up na nakaparada.

Bunsod ng pagsabog, nagawang magpaputok ng dalawang guwardiya ng kanilang service firearms sa pag aakalang sila ay binaril lamang.

Masuwerte namang hindi nasugatan ang dalawang guwardiya na ayon sa kanila, mga 7 hanggang 10 metro lamang ang layo nila sa sumabog na granada.

Wala namang may naitalang pinsala sa pagsabog, maliban na lamang sa nabasag na wind shield ng isang government owned Van na nakaparada sa nasabing lugar.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pagpapasabog kung anu ang motibo. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento