(Koronadal City/ February 10,
2014) ---Umaasa ngayon si Cotabato School’s division Assistant Supt. Romelito
Flores na mauuwi ng cotabato Division ang kampeonato sa gagawing SOCCKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA
meet 2014 na magbubukas ngayong umaga.
Aniya, abot sa 600 ang delegado ng cotabato province sa nasabing
palaro kungsaan 400 dito ay mga atleta, 170 naman ang mula sa elementary level
habang 200 ang mula sa secondary level at 70 mga coaches at chaperon ang
sumama.
Kaugnay nito, para maiwasan ang disgrasya, magsasagawa ng contact
sports sa SRAA meet 2014 kungsaan walang medical team walang laro, ito ang tiniyak ni Department of
Education o Dep ed 12 OIC Regional Director Allan Farnazo.
Binigyan diin ni Farnazo
na bukod sa masusing pagsusuri sa mga atletang sasabak sa mga larong boxing,
taekwondo,at arnis .
Ang bawat event sa
naturang mga patimpalak ay masusing ring babantayan ng mga doctor at iba pang
kasapi ng medical team ng Dep ed.
Inihayag din nito na
kapag may nakikitang nang hindi maganda ang medical team sa kalagayan ng isang
atleta sa nabanggit na mga sports event, meron aniyang kautusan sa mga ito ang
mataas na pamunuan ng Dep ed na agad na itigil ang laro.
Layon nito ayon pa kay
Farnazo na matiyak na hindi na maulit pa sa rehiyon ang insidente ng pagkamatay
ng isang binatilyo, matapos sumabak sa larong boxing sa isang athletic meet sa
lalawigan ng Zambales noong nakaraang taon.
Ang SRAA meet 2014 meet
na nilahukan ng may pitong libong delegate mula sa siyam na dibisyon ng Dep ed
sa Region 12 ay pormal nang magbubukas sa Koronadal City ngayong umaga.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento