Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BREAKING NEWS! USM, may bago ng Presidente

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 13, 2014) ---Kinumpirma ngayong hapon sa DXVL News ni USM OIC President Atty. Christopher Cabelin na mayroon ng bagong halal na Pangulo ang pamantasan sa katauhan ni Dr. Francisco Gil Garcia.

Ginawa ni Cabelin ang pahayag sa isang phone interview 15 minuto matapos na maihalal bilang bagong Pangulo ng Pamantasan si Dr. Garcia.

Aniya, dumaan sa mahaba-habang session ang isinagawang board meeting na ginanap sa CHED Office sa Manila at bago mag-alas tres ngayong hapon ay tuluyang nahalal si Dr. Garcia bilang bagong Pangulo ng USM sa pamamagitan ng botohan ng USM Board of Regents.


Dagdag pa ni Cabelin ay nanumpa kaagad bilang bagong halal na pangulo ng USM si Garcia matapos ang deklarasyon at siya ay pormal na uupo bilang bagong president pagkatapos ng ceremonial turn-over na gaganapin sa loob ng pamantasan anumang araw mula ngayon.

Hindi umano magiging mahirap ang gagawing turn-over sapagkat bago pa man magkaroon ng halalan ay naihanda na nila ang lahat ng kakailanganin upang mas mapadali ito.

Umabot umano ng limang beses o 5th round ang ginawang botohan ng Board of Regent kung saan nakakuha si Garcia ng pitong boto  na ikinokunsiderang majority votes pabor sa nahalal na bagong pangulo.

Inamin naman ni Cabelin na nag-abstain umano ito sa botohan upang ipakita na ang legasiya na maiiwan niya sa USM ay walang impresyon na meron siyang sinusuportahan sa mga tumakbong pangulo.

Aniya, kung sinuman ang nanalo ay iyon ang kaniyang sinusuportahan. Gusto umano nito na manatili ang isang peaceful transition.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Dr. Garcia ang lahat ng mga sumuporta sa kanya at hinihingi nito ang kooperasyon ng lahat para sa ikagaganda ng USM. Rhoderick Beñez with report from Abdullah Matucan

0 comments:

Mag-post ng isang Komento