(Alamada, North Cotabato/
February 10, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon sa pagpaslang
sa isang Diyakono ng Penticostal Church sa Sitio Sarmiento, Brgy. Dado, Alamada,
North Cotabato.
Kinilala ni PCI Joefrey Todeño,
hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Reynaldo Manganyan Gutoman, 43-anyos at
residente ng nasabing lugar.
Batay sa inisyal na
pagsisiyasat, naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kanyang pamilya buhat sa
kanilang simbahan mga ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay matapos
na dumalo ng pang-gabing pananambahan ng paputukan ang mga ito ng baril.
Sa likod ang tama ng biktima na
tumagos sa dibdib nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Narekober sa crime scene ang
bala ng kalibre 5.56 rifle na siya’ng ginamit ng suspek sa pamamaril noong gabi
ng Biyernes.
Sa ngayon, hindi pa matukoy ang
motibo sa nasabing pamamaril habang, nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento