Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kooperasyon ng USM Constituents, hiling ni Garcia para sa kapakanan ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Bilang bagong halal na Pangulo ng University of Southern Mindanao, hiling ni Dr. Francisco Gil Garcia ang kooperasyon ng lahat para sa kapakanan ng USM.

Sa ginawang panayam kahapon dalawampung minuto matapos maideklara si Garcia bilang bagong halal na pangulo ng pamantasan, sinabi nito na mahalaga ang kooperasyon ng lahat ng USM Constituents para sa kapakanan ng buong USM.


Kaugnay nito, nagpahayag ang bagong USM President na magiging transparent umano ang kanyang administrasyon sa pamumuno sa pamantasan.

Aniya, sisikapin niya na magkaroon ng konsultasyon sa lahat ng kanyang gagawin at wala umano dapat maiiwan lalong-lalo na sa mga estudyante.

Binigyaang diin niya na ang mga estudyante ang sentro ng sebisyo sa pamantasan kaya nararapat lamang na bigyan sila ng kaukulang  pansin at hindi dapat napag-iiwanan. 

Nararapat lamang umano na hindi masayang ang gastos ng kanilang mga magulang para makapag-aral.

Sinabi ni Garcia na mahalaga umano ang tulong ng lahat ng USM Constituents upang mapatakbo ng maayos ang four-folds functions ng USM gaya ng Instruction, Research, Extension, at Resource Generation.


Sa huling bahagi ng panayam dalawampung minuto matapos siyang madeklara bilang bagong halal na pangulo ng USM, nagpaabot si Garcia ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya. Abdullah Matucan, USM Devcom Intern

0 comments:

Mag-post ng isang Komento