Written by: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/February 18, 2012) ---Wala pang kongkretong rate na napagkasunduan ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco at ng Energy Development Corporation hinggil sa bagong rate na proposal ng EDC sa bagong planta na kanilang itatayo sa Mt. Apo 3 Geothermal Plant.
Sa panayam ng DXVL - Radyo ng Bayan kay Cotelco General Manager Godofredo Homez, nagbigay umano
ng proposal na 5.33/kilowatt hour ang EDC sa Cotelco na bagay namang inayawan ng Cotelco dahil base sa kanilang isinagawang feasibility study ay dapat 4.25/kilowatt hour lang ang rate na dapat sisingiln ng EDC sa Cotelco para sa kanilang generation charge, na di naman kapwa sinang-ayunan ng dalawang kampo.
ng proposal na 5.33/kilowatt hour ang EDC sa Cotelco na bagay namang inayawan ng Cotelco dahil base sa kanilang isinagawang feasibility study ay dapat 4.25/kilowatt hour lang ang rate na dapat sisingiln ng EDC sa Cotelco para sa kanilang generation charge, na di naman kapwa sinang-ayunan ng dalawang kampo.
Hanggang sa umabot sa presyo na 4.95 kada kilowatt hour basta, ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ay walang rate increase hanggang sa susunod na sampung taon.
Dahil sa kapwa walang napagkasunduan ang dalawang panig nagkaroon ng “dead lock” sa nasabing consultation na ginanap nitong Biyernes sa Cotabato Provincial Capitol, Amas, Kidapawan city.
Nabatid na ang Mt. Apo 3 ay masisimulan pa sa 2014 at aasahan na magiging operational sa 2016, ayon kay Homez.
Ang hakbang na ito ay upang tugunan ang lumalalang load curtailment na ipinapatupad ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa mga electric cooperative sa Mindanao.
Kung kailan mawawala ang load curtailment, wala pang alam ang Cotelco dahil ang buong Mindanao ay di na makayang supplyan ng MPC/PSALM, kaya aasahan pa rin ang araw-araw na pagkalawa ng kuryente sa mga service erya na sakop ng cotelco.
Isa sa mga nakikitang solusyon ng Cotelco sa ngayon ay ang pagbiliu sa mga private barge pero aasahan ang mas mahal na singil sa kuryente.
Pero, sinabi pa ni Homes na dadaan pa naman sa public consultation ang nasabing hakbang.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento