Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/February 18, 2012) ---Maituturing ngayon ang Kabacan Cave sa pinakamagandang Tourist attraction hindi lamang sa North Cotabato kundi maging sa buong South Central Mindanao dahil sa kakaiba nitong mga stalactites at stalagmites na makikita sa loob ng kweba.
Ang Kabacan Cave ay nasa Brgy. Pisan at boundary ng Brgy. Bangilan na may tatlong mga kakaibang kweba na tiyak na magbibigay ng kakaibang aliw sa mga turistang bibista doon.
Kungsaan makikita rin sa pagpasok ng kweba ang mga paniki at iba pang mga natural na kayamanan ng Kalikasan bukod pa sa under ground river nito.
Kaya naman sa ngayon ay patuloy na dinidevelop ito ng LGU Kabacan sa pamumuno ni Kabacan Mayor George Tan kagaya ng pagpapaayos ng daan papunta sa lugar at nagbigay na rin ng isang milyong piso ang Provincial Government sa pangunguna ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza para sa pagpapatayo ng Eco-tourism center sa lugar.
Ayon kay MENRO Officer Jerry Laoagan may registration na umano na P50 ang bawat papasok sa kweba at isasailalim din sa briefing ng MENRO ang bawat indibidual o grupo na pupunta sa Kabacan Cave.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento