Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga heavy equipment sa Kidapawan city; sinunog ng mga NPA

(Kidapawan City/February 20, 2012) ---Sinunog ng mga di pa nakilalang mga armado ang isang heavy equipment na pag-aari ng isang pribadong construction firm alas 5:30 noong Sabado sa Kidapawan city.

Ayon kay Chief of investigation ng Kidapawan city PNP Rolando Dillera, sinasabing mga lima katao ang pinaniniwalaang suspek na sakay sa dalawang motorsiklo ang pumunta sa Purok-5, Barangay San Roque at agad na binuhusan ng gasolina ang 10-wheeler dumptruck
na nakaparada sa quarry site sa lugar.

Ang nasabing sasakyan ay may Plate number RGJ 602 na pag-mamay-ari ng Sarangani Rock Mixer, isang construction firm na nagsasagawa ng rehabilitasyon sa National Highway sa bayan ng Antipas at Arakan dito sa North Cotabato.

Sinabi ni Barangay San Roque chairman Orlando Balondo, limang mga lalaki na nagpakilalang mga miyembro ng New Peoples’ Army o NPA ang dumating sa may quarry site at agad tinutukan ng mga baril ang driver at mga helper ng dumptruck na pag-aari ng Sarangani Rock Mixer na isang pribadong construction firm.
      
Dali-dali nilang binuhusan ng gasolina ang truck at sinunog.

Naniniwala ang mga awtoridad extortion ang nasa likod ng panununog.

Bago raw kasi umalis ang mga suspect ay nagbanta sila na marami pang mga sasakyan ng Sarangani Rock Mixer ang susunugin kung patuloy na magmamatigas sa kanilang demand ang may-ari ng kompanya.

Ito na ang ikalawang insidente ng panununog ng mga heavy equipment sa Kidapawan City nitong buwan ng Pebrero.

Ang una ay noong February 10 kung saan sinunog ng mga nagpakilala ring NPA ang limang mga heavy equipment na pag-aari ng RDI Construction Company.

Agad na naglagay ng mga sundalo ang 602nd Brigade ng Army sa erya para protektahan ang lugar at nang ‘di na maulit ang pag-atake ng mga rebeldeng komunista.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento