Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga opisyal ng North Cotabato; isasailalim sa workshop hinggil sa Poverty Reduction

Written by: Vanea Delfa Cuenca

(Kabacan, North Cotabato/February 20, 2012) ----Pangungunahan ng National Anti- Poverty Commission ( NAPC ) ang gagawing province-wide orientation and action planning workshop on poverty reduction and empowerment sa ilang mga opisyal ng North Cotabato na gagawin sa araw ng bukas Pebrero a-21 sa AJ Hi-time Hotel, Kidapawan City.

Nabatid sa isang kalatas mula kay Provincial Director Ali Abdullah na layon ng nasabing
workshop na pag-usapan ang LGUs participatory bottom-up budgeting and action planning processes, bukod pa sa gagawing planu hinggil sa kung papaanu matugunan ang lumalalang kahirapan sa bahaging ito ng Mindanao.

Dadaluhan ang naturang workshop ng 14 na LGU ng mula sa North Cotabato ng mga natukoy at proyoridad ng Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster na binuo ni President Noynoy Aquino,  na ang layunin ay kung di man tuluyang masugpu ay maibsan ang kahirapan sa Pilipinas at makamit ang Millennium Development Goal commitment.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento