Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update 4) Seguridad ng Kidapawan city PNP, hinigpitan matapos ang blast grenade at at jail attack sa BJMP; Mataas na opisyal ng Kidapawan City PNP ni-relieve

Written by Rhoderick Beñez


(Kidapawan City/February 22, 2012) ---Agad na hinigpitan na ngayon ang seguridad sa City Jail ng Kidapawan matapos ang nangyaring grenade blast at jail attack noong Linggo ng gabi. 

Kaugnay nito, patuloy ngayong isinasagawa ang fact-finding investigation ng mga otoridad sa nasabing insedente.

Ito ang sinabi ni P/Senior Supt. Cornelio Salinas, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office, bagama’t may nauna nang report na grupo ni Lastikman ang nasa likod ng nasabing pang-atake, naghahanap naman ngayon ng mga larawan ang mga otoridad sa mga personahe na sangkot sa nasabing panghaharas sa City Jail.
Isa na rin dito ang paghahanap ng mga witnesses sa pangyayri.

Kaugnay nito kinumpirma naman sa DXVL - Radyo ng Bayan ni Salinas na ni-relieve na sa kanyang pwesto si P/Supt. Chino Mamburam kasama ang kanyang deputy chief Inspector Rolando Dillera matapos diumano’y mabagal na pagtugon sa nasabing insedente at normal lamang ito sa isang organisasyon kagaya ng sa hanay ng mga pulisya ang pag tanggal sa posisyon.

Una na rin kasing may lumalabas na intelligence report na planung panghaharass ng grupo sa lugar subalit nagging maluwag umano ang pulisya sa kanilang seguridad.

Si Mamburam ay nasa General Santos City habang nasa bahay naman nila si Dillera ng maganap ang insedente. Si Mamburam ay pinalitan ni Police Superintendent Reynato Cabico na dating chief Investigation Detection Management Section ng Cotabato Police Provincial office.

Ngayong araw gagawin ang turn-over ceremony, ayon sa report.

Giit pa ni Salinas, na matagal na rin umanong alagad ng batas ang dating opisyal sa loob ng mahigit sa tatlong taon bilang hepe ng Kidapawan City PNP.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento