(Arakan, North Cotabato/February 25, 2012) --- Dinaluhan ng mga opisyal at mga kasamahan sa gobyerno, mga kaanak, kapamilya, mga kaibigan at mga constituents sa bayan ng Arakan ang libing ni Arakan Mayor Gerardo Tuble, kanina.
Ang necrological services para kay Tuble ay isinagawa kahapon.
Nabatid na si Tuble ay mahigit dalawang taon pa lang na nagsisibi bilang mayor ng Arakan. Naglingkod na rin siya ng siyam na taon bilang konsehal ng bayan.
Noong nakaraang Oktubre, na-diagnose si Tuble dahil sa lung cancer at lumala umano ang sakit nito noong Disyembre.
At noong unang linggo ng Pebrero tuluyan na itong binawian ng buhay.
Kasamang nagluluksa sa kamatayan ni Tuble ang Arakan Progressive Peasant Organization at Tenananon-Kulamanon Panaghiusa sa Arakan.
Ayon sa grupo, si Tuble ay isang mahusay na lider. Di raw nila kinakitaan ito ng korupsyon sa kanyang pamamalakad at mahusay makitungo sa kapwa, lalo na sa maliliit o mahihirap na tao.
Sinabi ni Carlos Anacleto ng APPO, doble dagok sa kanila ang pagkamatay ni Tuble. Namatay na nga si Father Tentorio, nawala na rin ang ginagalang nila’ng mayor.
Sina Tentorio at Tuble, ayon kay Anacleto, ay tunay na kakampo ng mahihirap na tao ng Arakan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento