Written by: Delfa Vanea Cuenca
(Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---Kulang-kulang apat na libu lamang ang mga validated beneficiaries ng pantawid pamilyang Pilipino Program dito sa Kabacan mula sa 5,018 registered beneficiaries ng National Office.
Nabatid mula kay MSWD Officer Susan Macalipat na abot lamang sa 3,420 ang opisyal na naitala sa kanilang tanggapan as of this time.
Kaugnay nito, nagpapatuloy pa rin ang ginagawa nilang validation sa mga beneficiaries na hindi pa nakapagsumite ng kanilang mga kaukulang dokumento.
Dagdag pa ni Macalipat na, nagkaroon ng tatlong validation dates na nagsimula pa noong Disyembre ng nakaraang taon at ngayong buwan ng Enero upang bigyan ng mahabang panahon ang mga ito sa paghahanda ang kanilang dokumento.
Subalit sa kabila ng kanilang panawagan ay umabot lamang sa ganitong bilang ang mga validated 4Ps beneficiaries sa bayan.
Sa ngayon, humihingi pa ng extension ang Sangguniang Bayan ng Kabacan sa DSWD Manila upang makapag-sumite ang kanilang mga constituents para mapabilang sa nasabing programa ng National.
Kung matatandaan, ang 4ps ay kabilang lamang sa pagtugon sa Millenium development goal ng pamahalaang nasyunal na kung di man tuluyang masugpu ang kahirapan ay maibsan man ito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento