Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan BFP; Nanawagan sa mga Nagbebenta ng di-takal na gasolina na kumuha ng business permit

Written by: Anthony Henilo


(Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---May pagkakakilanlan na ngayon ang pamunuan ng Kabacan Bureau of Fire Protection hinggil sa mga nagbebenta ng de takal na gasolinahan sa bayan o yung mas kilala sa bote-bote o di-boteng gasolina dito sa bayan ng kabacan.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay Kabacan Sr. Fire Inspector  Ibrahim Guimalon, Napag-alaman na sa kanilang ginawang Massive Inspection kasama ang Kabacan PNP, Humihingi ng palugit ang mga nag-ooperate ng de-takal na gasolina na kung maari ay ubusin muna nilang ibenta ang kanilang mga natitirang stocks ng gasolina.

Ayon pa kay Guimalon na ang permit lamang na kinuha ng ibang operators ng de-takal na gasolina ay para lamang sa 2T, Motor Oils at lubricants. Kaya lamang ay hinahaluan nila ito ng pagbibenta ng de-takal na gasolina na kung saan ito ay dilikado.

Kaya naman, Nanawagan ngayon ang Kabacan Beuro of fire protection sa lahat ng operators ng de-takal na gasolina na kung maaari ay kumuha ng business permit kung sakaling maaaprobahan ang kanilan negosyo.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento