Written by: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North cotabato/February 23, 2012) ---Muling gugunitain ng mga mamamahayag mula sa North Cotabato ang naganap na Ampatuan-Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009 na ikinamatay ng 57 mga tao kasama na ang mahigit sa 30 mga kagawad ng media.
Ayon kay National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) Kidapawan Chapter Pres. Malu Cadaleña Manar, mag-aalay ng panalangin, bulalak, magtitirik ng kandila at magsasagawa ng programa ang mga media mula sa North Cotabato bilang pag-alala sa nasabing pangyayari.
Ang nasabing programa ay dadaluhan ng mga mamamahayag mula radio, TV, broadcast, print at iba pa na isasagawa alas 5:30 mamayang hapon sa Kidapawan City.
Ang nasabing programa ay dadaluhan ng mga mamamahayag mula radio, TV, broadcast, print at iba pa na isasagawa alas 5:30 mamayang hapon sa Kidapawan City.
Eksaktong 27-buwan na ngayong araw matapos maganap ang karumal dumal na pagpaslang sa mga mamamahayag kabilang na ang ilan pang mga kasamahan nila sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao subali’t tila usad pagong pa rin ang pag gulong ng nasabing kaso.
Hustisya at katarungan pa rin, ang sigaw ng mga kamag-anak ng mga naging biktima ng marahas na eleksiyon sa nasabing lugar.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento