Written by: Rhoderick Beñez
(Kidapawan City/February 23, 2012) ---Makipag-pulong ngayong araw si DILG secretary Jessie Robredo kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at Mayor Rodolfo Gantuango hinggil sa paglilipat ng 16 na mga high profile inmates sa News bilibid prisons.
Pero, una naring sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na inaprubahan na ni Pangulong Aquino ang rekomendasyon at ipinarating na nila sa Court Administrator noon pang nakaraang taon ang nasabing hakbang.
Bagama’t aprubado pa, dapat ay may court order muna para malipat ang nasabing inmates, at isa ito sa mga pag-uusapan ngayong umaga sa AJ High time Hotel sa Kidapawan city. (with report from Merlyn Aznar/Mindanao Express)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento