(Kidapawan City/February 22, 2012) ---Itinuturing na ‘bayani’ sa larangan ng volunteerism ng mga Red Cross volunteers si Benny Balmediano, driver ng PRC vehicle at kasama sa PRC team na rumesponde sa grenade blasts at jail attack sa Kidapawan City, noong Linggo.
Nasawi si Balmediano habang kinukuha ang mga sugatan sa mga pagsabog sa may Molos Videoke House, noong gabi’ng yun.
Sa tiyan ang tama na tinamo ni Balmediano nang sumabog sa mismo’ng harap niya ang isang improvised explosive device o IED na gawa sa 81-mm mortar.
Ayon kay Bryan Balmediano ng PRC Kidapawan sub-chapter at anak ng nasawi’ng si Benny, nagluluksa sa ngayon ang mga Red Cross volunteers, hindi lamang sa North Cotabato kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa, dahil sa pagkamatay ng kanyang ama.
Ang pagkamatay ni Balmediano ay nai-report na kay PRC chairman at dating Senador Dick Gordon at agad nagparating ng pakikiramay sa pamilya ng kanilang Red Cross volunteer at sa iba pang mga nasawi sa trahedya.
Samantala, itinigil ng 505 DREAM Rescue Team ang kanilang mga trabaho kahapon para magbigay-pugay sa nasawi’ng si Balmediano.
Nagbuwis ng buhay si Balmediano para lamang iligtas ang iba, ayon kay Marlon Ceballos ng DREAM 505.
Katabi nito si Provincial Fire Marshal Romeo Tactaquin nang sumabog ang IED sa mismo nila’ng harapan.
Inatake ang city jail, bandang alas-1030 ng gabi, noong Linggo, ng humigit kumulang 50 mga armadong lalaki para i-rescue si Lastikman na itinuturi’ng na isang high-risk at high-profile inmate.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento