Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Tatlo katao patay, 13 sugatan nang atakehin ng mga armadong lalaki ang Kidapawan City Jail


(Kidapawan City/February 20, 2012) ---Tatlo katao ang patay, habang 13 ang sugatan, nang atakehin ng mga di kilalang armadong lalaki ang Kidapawan City Jail, kagabi, ayon kay
         
Kinilala ang mga namatay na sina Benny Balmediano, driver ng Philippine Red Cross-Kidapawan sub-chapter; Ian Carlos Sevilla; at Mark Anthony Morales.
         
Sina Sevilla at Morales ay dalawa sa mga nag-iinuman sa isang videoke bar na matatagpuan, ilang metro lang ang layo mula sa city jail.

Isa sa 13 sugatan kagabi si Chief Inspector Romeo Tactaquin, ang provincial director ng BFP-North Cotabato, at dalawa pang mga BJMP personnel.


Ayon sa report, abot sa 50 mga armadong lalaki ang umatake sa city jail, bandang alas-1030 kagabi.

Una nila’ng pinasabugan ng rocket-propelled grenade at pinaputukan ang harapang bahagi ng city jail.

Pero nakaganti ng mga putok ang mga BJMP personnel at hinabol ang dalawa’ng mga lalaki na nakita nila’ng malapit sa city jail.

Habang papatakas ang mga suspect, pinaputukan nila ang Molos Videoke House para iligaw ang mga humahabol sa kanila.

Bandang alas-1045 kagabi, isa na naming pagsabog ang naganap, sa harap mismo ng BJMP.  

Pinaniniwalaang isang improvised explosive device o IED na iniwan, ilang metro lang ang layo sa BJMP, ang sumabog.

Nasawi noon din si Balmediano, habang malubha ang kalagayan ni Tactacquin – dalawa sa napakaraming mga personnel na rumesponde sa jail attack.

Ayon sa report, plano ng mga suspect na habang nagkakagulo ay mapasok nila ang presuhan at ma-rescue ang isang nagngangalang Lastikman.

Si Lastikman, ayon sa report, ay isang mataas na opisyal ng isang armadong grupo, na nahuli ng mga awtoridad, halos dalawang taon na ang nakalilipas.

Patuloy ang manhunt operation ng mga pulis sa mga responsable sa jail attack, habang hinigpitan pa ang seguridad sa presuhan, lalo na sa preso’ng si Lastiman na itinuturing na isang high-risk criminal.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento