Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nurse na nag-tweet ng masasakit na salita patungkol sa biktima ng pagsabog sa Kidapawan City nag-isyu ng public apology; Phil Red Cross naglabas din ng pahayag patungkol sa isyu


(Kidapawan city/February 24, 2012) ---Humihingi ngayon ng paumanhin sa publiko ang nurse ng Kidapawan Doctors Hospital na nag-tweet ng masasakit na salita patungkol sa nasawi’ng Red Cross volunteer na si Benny Balmediano.
         
Inamin ni Carla Kristine Piamonte na nagi’ng immature siya nang bitawan niya ang masasakit na Tweet sa kanyang Tweeter account.

Sinabi ni Piamonte na hindi raw niya binalak gawi’ng subject ng katatawanan ang nangyari kay Balmediano.

Narito ang public apology ni Piamonte, and I quote: “My tweet was not intended to belittle the heroic act of the victim, nor to make fun of the bombing incident.  I would like to apologize to all the people of Kidapawan whom in one way or the other was affected by my tweet.  I was clueless that this would magnify and hurt other people’s feelings.  It was an insensitive reply to a conversation of a very sensitive issue, and for this, I would like to convey my deepest regret for displaying such immature act,” and un-quote.

Sa Tweet kasi ni Piamonte sinabi niya ang mga katagang ito, “ang isa katao, tay-chi, labas ang lungs, ha ha.  Nagpaka-hero kasi sa bomba og RPG.”

Ikinasama ito ng loob ng pamilya Balmediano at mga kapwa Red Cross volunteer na rumesponde sa jail attack para isagawa ang pag-rescue sa mga biktima.

Katunayan, nag-isyu rin ng pahayag ang Philippine Red Cross patungkol dito at ipinade-deklara nila na ‘persona non grata’ si Piamonte.

Sinabi naman ni Dr. Edwin Gantuangco, ang chief of hospital ng KDHI, na may sanction sila’ng ipapataw sa ginawa ni Piamonte.
Sinabi ni Dr. Gantuangco na ang ginawa ng kanilang staff ay ‘unethical’ o paglabag sa Code of Ethics sa para-medical profession



0 comments:

Mag-post ng isang Komento