Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update)DILG Secretary Jesse Robredo bumisita sa Kidapawan City; text message kumakalat sa Kid City: banta ng pambobomba

(Kidapawan City/February 23, 2012) ---Pinarangalan ang dalawampu’t pito sa mga nasugatan sa naganap na terorismo noong nakaraang Lingo sa Kidapawan City jail na ikinasawi ng 3 katao, kabilang na dito ang isang Red Cross Volunteer at dalawang iba pa.


Personal na bumisita ngayong umaga si DILG secretary Jesse Robredo dito sa lungsod, upang kilalanin at kumustahin at bigyang parangal ang mga nasugatang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection at isang kasapi ng Barangay Peace Keeping action team o BPAT, na tumulong sa
pagresponde sa naturang tangkang pagpapatakas sa isang High Profiled inmate sa BJMP lock-up cell, Tinungo rin ng kalihim ang lugar na pinangyarihan ng insedente.

Samantala, nagdulot ng pagkabahala sa mga mamamayan ng Kidapawan City ang kumakalat na text message na may banta ng panibagong pag atake at pambobomba dito sa lungsod, habang
todo higpit naman ang mga otoridad sa posibleng panibagong banta ng pag atake ng mga teroristang grupo. (Harris Ken Liboon)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento