Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Edukasyon, tulay sa pagsasalin ng indigenous knowledge

Written by: Roderick Bautista


(Midsayap, North Cotabato/February 24, 2012) ---Nagsama- sama ang iba’t- ibang grupo ng mga katutubo sa buong bansa sa tatlong araw na Second National Conference on Indigenous Knowledge na ginanap sa Midsayap, North Cotabato. 

Layunin ng pagtitipon na maibahagi ang mga karanasan at isinagawang pag-aaral o research mula sa indigenous peoples sa iba’t- ibang bahagi ng Pilipinas. Tinalakay din ang kahalagahan ng mas malawak na pag- intindi sa katutubong kaugalian, mga national and international laws at ang relasyon nito sa katutubong kaalaman.
Inilatag din ang mga nakikitang paraan at posibleng solusyon na mapalakas pa at maprotektahan ang mga katutubong kaalaman sa modernong panahon ng paggawa ng mga batas at polisiya.
Habang naglalaan ang mga programang pang- edukasyon ng mahahalagang gamit para sa human development, maaari ding maglipat ang mga ito ng katutubong kaalaman.

Sa naganap na diskusyon, edukasyon ang nakikitang paraan upang mapalakas ang pagpapasa ng mga katutubong kaalaman. Ayon kay Benjamin Abadiano ng Assissi Foundation at Pamulaan School of Indigenous Education, ang edukasyon ang siyang magiging tulay upang mapanatili ang katutubong kaalaman at makasabay ito sa modernisasyon.

Ayon naman sa UNESCO LINKS, may mga pagsisikap nang ginagawa ngayon upang maisanib ang katutubong wika at kaalaman sa kurikula ng paaralan, at ibalik muli sa komunidad ang pag- aaral, kung saan muling mapagtibay ang lugar ng mga matatanda bilang tagahawak ng kaalaman.

Kaugnay nito ay ibinahagi ni Datu Ed Banda ng Magpet, North Cotabato ang naging tagumpay ng kanilang Obo- Manobo School of Living Tradition. Ipinahayag ng datu na naging malaking kontribusyon ang alternative learning initiative na ito sa mga katutubo sa kanilang komunidad.

Nabanggit naman ni North Cotabato Second District Representative Nancy Catamco na isinusulong nito sa kongreso ang HB 4166 o ang inklusyon ng indigenous peoples curriculum sa lahat ng antas ng edukasyon.

Magiging kapakipakinabang naman ang mga napag- usapan at napagkasunduan sa pagtitipon na ito ng mga IPs sa pagpaplanu ng peace, reconciliation, and unity programs ni North Cotabato First District Representative Jesus N. Sacdalan.

Matatagpuan sa mga bayan ng Pigcawayan, Libungan, Carmen, Aleosan at Midsayap na sakop ng unang distrito ng North Cotabato ang ilang indigenous people’s groups.

Ang pambansang pagtitipon na ito ng mga katutubo ay inorganisa ng Tebtebba Foundation Indigenous Peoples International Centre for Policy Research and Education, Philippine Task Force for Indigenous Peoples Rights, at Southern Christian College- Community Education, Research and Extension  Administration o SCC- CEREA.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento