(Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang field inspection ng National Quality Seed Control na nakabase sa Bureau of Plant Industry o BPI Midsayap sa dalawang mga barangay ng Kabacan na sinasabing seed Production areas ng bayan.
Ito ang napag-alaman mula kay Kabacan Municipal Seed Inspector Dominador Bisnar Jr., para matiyak ang kalidad ng mga binhi ng palay na makakapasa sa standard ng National Quality Seed Control.
Tinukoy pa ni Bisnar ang Lower Paatan at brgy. Osias sa mga lugar kungsaan karamihan ay seed producer erya.
Abot kasi sa mahigit kumulang sa isang daang ektarya ang mga natukoy na seed production erya sa buong Kabacan.
Matatandaan na ang bayan ng Kabacan ay itinuturing na rice granary ng probinsiya ng North Cotabato. (Rhoderick BeƱez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento